Gwardya arestado sa rape-slay ng estudyante ng La Salle Lipa

Batangas PNP photo

Kinasuhan ang isang gwardya kaugnay ng paggahasa at pagpatay sa isang estudyante ng De La Salle sa Lipa, Batangas.

Ayon kay Batangas police director Col. Edwin Quilates, sumailalim na sa inquest proceedings ang suspek na si Jorge Benedicto para sa mga kasong rape at homicide.

Si Benedicto ang gwardya sa subdivision kung saan nakatira ang biktimang si Fidex Therese Maranan, 21 anyos.

Sa report ng Batangas Police, naaresto ang suspek alas 5:00 Martes ng hapon sa Oriental Mindoro.

Ang fourth year college student na si Maranan ay natagpuang patay noong May 17 sa bahay nito sa Miracle Heights Subdivision sa Barangay Antipolo del Norte sa Lipa City.

Isang kaaanak ang nakadiskubre sa biktima na may takip na kumot sa kwarto nito.

Lumabas sa autopsy na pinalo sa ulo at sinaksak sa leeg si Maranan at ginahasa rin ito.

Read more...