Nakapaloob sa Senate Bill No. 1826 ang seguridad sa trabaho ng mga empleyado sa pamamagitan ng pagbabawal sa kontraktwalisasyon at pagtatapos sa gawing “endo” o “end of contract.”
Ayon kay Senator Joel Villanueva, pangunahing may akda ng bill, matagal ng hinihintay ng mga manggagawa ang araw na maipasa ang panukala.
Nais umano niyang bigyan ng peace of mind ang mga manggagawa sa kalagayan ng kanilang employment, na walang empleyadong mawawalan ng trabaho na hindi dumadaan sa tamang proseso at pagdinig.
Siniguro naman ni Villanueva na lahat ng mga apektado ay ikinonsidera bago ipinasa ang panukala.
Ang repormang pagtatanggal sa endo ay ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kampanya noong 2016.