Higit P1M halaga ng shabu nasabat sa Camarines Sur

Nakumpiska ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa bust bust operation sa Naga City, Camarines Sur Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Naga City Police, arestado sa operasyon ang mga suspek na sina Eric Labalan, 31 anyos at Marcelino Antonio, 39 anyos.

Ang dalawang suspek ay nagbenta ng 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000 sa undercover na pulis sa Barangay Balatas alas 9:30 ng umaga.

Sa inspeksyon ay narekober ang mas madaming shabu na may timbang na 150 gramo na may street value na P1 milyon.

Read more...