DepEd: Classrooms construction nabalam dahil sa re-enacted budget

Inquirer file photo

Aabot sa mahigit apat na libong silid aralan ang hindi naayos dahil sa pagkaantala ng pagpasa sa 2019 national budget.

Sa pulong balitaan sa MalacaƱang, sinabi ni Education Usec. Annalyn Sevilla, mula Enero hanggang Marso ay walang nai-award na kontrata dahil sa kawalan ng budget.

Bukod sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, naapektuhan din aniya ang pagbili ng mga school supplies, learning materials at iba pa.

Patuloy aniya ang pakikipag-ugnayan ng DepEd sa Department of Budget and Managemet para mailabas na ang pondo.

Matatandaan nitong Abril lamang ay nalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pambansang pondo matapos maantala dahil sa hindi pagkakasundo ng mga senador at mga kongresista.

Read more...