Mabilis na tulong sa mga gurong patay sa aksidente sa Albay tiniyak ng DepEd

Radyo Pilipinas photo

May matatanggap na pinansyal na ayuda mula sa Department of Education ang apat na gurong nasawi sa aksidente sa Libon, Albay.

Sa pulong balitaan sa MalacaƱang, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na may ginagawang fund raising ang kanilang hanay para maayudahan ang apat na guro.

Matatandaang sampu katao kabilang ang apat na guro na galing sa Brigada Eskwela ang nasawi nang mahulog sa bangin ang sinasakyang pampasaherong jeepney sa Sitio Hulandig, Brgy. San jose sa bayan ng Libon.

Aminado si Briones na walang budget ang kanilang hanay para sa mga nasasaktan o nasasawing guro dahil sa sakuna pero maari namang magsagawa ng fundraising.

Kaagad namang bumuhos ang tulong para sa mga nasawi at mga nasaktan sa aksidente kung saan kabilang sa mga nagbigay ng tulong ay ilan sa kanilang mga mag-aaral.

Read more...