Revilla humingi ng time-out sa mga bashers

Twitter/Bong Revilla

Umaasa si Senator-elect Ramon “Bong” Revilla Jr. na matigil na ang mga ibinabatong pambabatikos sa kaniya.

Matapos ang proklamasyon sa mga nanalong senador sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ni Revilla na sa halip na pambatikos, magtrabaho na lang para sa bayan.

Nanalo si Revilla makaraang makuha ang 11th spot sa katatapos na halalan.

Nakakuha ang nagbabalik-senado na si Revilla ng kabuuang ng kabuuang boto na 14,524,445 votes.

Matatandaang naharap si Revilla sa kasong plunder ngunit napawalang-sala ng Sandiganbayan noong December 2018 makaraang masangkot sa pork barrel scam.

Read more...