Review sa partylist system law iginiit sa Kamara

File photo

Naniniwala si Albay Rep. Edcel Lagman na isa sa dapat gawing prayoridad ng susunod na kongreso ang pag aaral sa partylist system.

Ayon kay Albay cong. Edcel Lagman, isa sa pangunahing may akda ng nasabing batas, kung pag-aaralan ang mga nangyayari ngayon ay hindi na ito naaayon sa dahilan kaya binuo ang partylist system.

Kung titignan kasi aniya ngayon ay maraming kinatawan ng partylist group ang hindi naman tunay na kumakatawan sa marginalized sectors.

Nais aniya nilang mapalakas ang partylist system para masigurong para may tunay na kinatawan ang marginalized sectors sa kongreso

Kasabay nito, pinuna ni Lagman ang Comelec na ilang beses ng naghalalan gamit ang mga vote counting machines ng Smartmatic pero marami pa ring nagiging problema.

Ipinaliwanag ni Lagman na dapat ay glitch-free na ang halalan dahil matagal na ring pinag-aralan ng Comelec ang automated election sa bansa.

Read more...