Sen. Nancy Binay: Para akong nanganak ulit

“Parang nanganak ulit”.

Ganito inilarawan ni Reelected Senator Nancy Binay ang kaniyang paghihintay sa resulta ng katatapos na eleksyon.

Ayon kay Binay, parang nanganak siya sa ikaapat na pagkakataon habang nag-aabang ng resulta.

Nasa pang-12 pwesto kasi si Binay at maliit lang ang lamang kay Sen. JV Ejercito na nasa pang-13 pwesto.

Sa isinagawang proklamasyon ngayong araw, sinabi ni Binay na gumaan na ang kaniyang pakiramdam at sa wakas ay natapos na ang pag-aabang.

Sa kaniyang proklamasyon, kasama ni Sen, Nancy ang kaniyang asawa at mga anak, nanay at tatay, kapatid na si Junjun Binay, pero kapansin-pansin na wala si Mayor Abby Binay.

Read more...