Umaga ng Miyerkules ng May 22 nang iproklama ang mga reeleksiyunista na sina Cynthia Villar, Grace Poe, Sonny Angara, Koko Pimentel, at Nancy Binay, dating senador Bong Revilla at Lito Lapid, Taguig Rep. Pia Cayetano, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, at dating PNP Chief Bato dela Rosa, ex-Special Assistant to the President Bong Go at former political adviser Francis Tolentino.
Pasado alas 10 umaga ng Miyekules nang isagawa ang prokalamsyon sa 12 senador kung saan isa-isa silang ipnroklama mula sa nasa pang-12 pwesto pataas.
Miyerkules ng madaling araw nang ilabas ng COMELEC na tumatayong National Board of Canvassers ang full at official tally ng mga national winners sa 2019 midterm elections matapos nilang matanggap ang transmitted certificate of canvass mula sa Washington DC sa United States gabi ng Martes ng May 21.
Narito naman ang official summary of votes sa 2019 senatorial race:
1) Cynthia Villar – 25,283,727
2) Grace Poe – 22,029,788
3) Bong Go – 20,657,702
4) Pia Cayetano – 19,789,019
5) Bato dela Rosa – 19,004,225
6) Sonny Angara – 18,161,862
7) Lito Lapid – 16,965,464
8) Imee Marcos – 15,882,628
9) Francis Tolentino – 15,510,026
10) Koko Pimentel – 14,668,665
11) Bong Revilla – 14,624,445
12) Nancy Binay – 14,504,936
Ang kabuuang bilang ng valid ballots ay 47,296,442 kung saan umabot sa 74.31 percent ang voter turnout.