Independent at balanced senate tiniyak ni Sen. Grace Poe

Matapos na muling mahalal bilang senador tiniyak ni Sen. Grace Poe ang indenpendent at balanseng senado.

Ito ay makaraan na nakararaming bilang na ng mga senador ang nasa majority at kaalyado ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Poe, sisikapin niyang magkaroon ng mas balanseng pananaw ang senado.

Si Poe na tumakbo bilang independent candidate ay nasa ikalawang pwesto sa katatapos na halalan.

Tiniyak ni Poe na susuportahan ang lahat ng makatutulong sa administrasyon at magsasalita kung sa tingin niya ay may kailangang baguhin.

Sa isinagawang proklamasyon si Poe ay sinamahan ng kaniyang asawa at anak at ina na si Susan Roces.

Read more...