Raptors naitabla sa 2-2 ang serye sa sa NBA Eastern Conference Finals matapos talunin ang Bucks

NBA Photo
Nagawa ng Toronto Raptors na maitabla ang serye sa NBA Eastern Conference Finals.

Ito ay makaraang talunin ng Raptors ang Milwaukee Bucks sa Game 4 sa score na 120 – 102.

Dahil sa panalo, tabla na ang series sa 2-2.

Nakapagtala si Kyle Lowry ng 25 points, 19 points naman si Kawhi Leonard, 18 puntos si Normal Powell at tig-17 puntos si Marc Gasol at Serge Ibaka.

Bagaman nagtrabago ng husto para sa Bucks si Khris Middleton na nakapagtala ng 30 points at si GIannis Antetokounmpo na mayroong 25 points, ay hindi ito sumapat para makuha nila ang ikatlong panalo.

Sa Biyernes ng umaga oras sa Pilipinas gaganapin ang Game 5 sa pagitan ng dalawang koponan.

Read more...