Bato Dela Rosa: Masaya ako! Senador na ako!

Masaya ako! Senador na ako!

Ito ang naipahayag ni Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa nang hingan ng pahayag nang sya ay dumating sa Philippine International Convention Center (PICC) para sa proklamasyon.

Si Dela Rosa, dating PNP chief ay nasa panglimang pwesto sa 2019 senatorial race.

May mga katanungan pa ang media kay Dela Rosa partikular kung ano ang magiging priority bills niya pero umiwas na ito at sinabing siya ay pupuntalang sa CR.

Sa picture taking matapos siyang maiproklama, maliban sa kaniyang pamilya ay kasama ni Dela Rosa sina PNP Chief Oscar Albayalde at NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar.

Read more...