Pangulong Duterte hindi makikialam sa pagpili ng bagong house speaker

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na pakialaman ang mga kongresista sa pagpili ng bagong house speaker.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hahayaan lamang ng pangulo na magpasya ang mga kongresista sa pagpili ng kanilang lider.

Ang mahalaga ayon kay Panelo, tiyakin lamang ng mga kongresista na mananaig pa rin ang maayos na pagsisipbi sa bayan.

Una rito, matunog na ang pangalan nina Congressmen Lord Velasco, Alan Peter Cayetano, Pantaleon Alvarez at Martin Romualdez na maaring susunod na speaker kapalit ni outgoing Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Read more...