Thurman gagawin kay Pacquiao ang ginawa nito kay De la Hoya

Plano umano ni Keith Thurman na pagretiruhin na si Manny Pacquiao pagkatapos ng laban nila sa July 20 sa Las Vegas.

Ginamit na halimbawa ni Thurman ang isang pang boxing icon kung paano umano nito tatalunin si Pacquiao.

Ayon sa American fighter, legend na si Pacquiao at nakatatak na ito sa boxing.

Pero ang gagawin umano ni Thurman ay ipapalasap nito kay Pacquiao kung ano ang ginawa nito kay Oscar dela Hoya.

Matatandaan na noong 2008, tinalo ni Pacquiao si De la Hoya sa pamamagitan ng knock-out na naging dahilan ng retirement ng Mexican champion.

Dagdag ni Thurman, nagbago na ang larangan ng boxing at mayroon na itong bagong era ngayon.

Wala na anya si Floyd Mayweather at sa laban nila ni Pacquiao sa July 20 ay mawawala na rin umano ang Pambansang Kamao.

Napanalo ni Thurman ang lahat ng 29 na laban nito habang si Pacquiao ay may record na 61 wins, 7 loss at 2 draws.

Read more...