Heaven Peralejo 1 taon bago sinagot si Jimuel Pacquiao

Inamin ng aktres at dating Pinoy Big Brother housemate Heaven Peralejo na itinago niya ang panliligaw sa kanya ng anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel.

Ayon kay Heaven, napressure siya habang nanliligaw si Jimuel kaya habang hindi pa tiyak ay inangatan nila ang kanilang privacy.

Ayon sa 19 anyos na dalaga, umabot ng 1 taon bago niya sinagot si Jimuel dahil ayaw niyang magmadali na pumasok sa relasyon.

Gusto rin makita ni Heaven ang effort ni Jimuel sa panliligaw.

Naghintay pa rin umano ang dalaga ng sign at kung kailan handa na siya sa relasyon.

Katwiran nito, ayaw niyang pumasok sa kanyang unang relasyon na nagmamadali.

Noong Marso, mismong si Jimuel ang nagkumpirma sa ispekulasyon at ibinunyag nito na sila na ni Heaven.

Read more...