Dahil dito, inaasahang magkakaroon ng bawas-presyo sa cooking gas pagpasok ng Hunyo.
Hanggang kahapon, May 21, umabot sa $90 kada metriko tonelada ang nabawas sa presyo ng LPG o katumpas ng P5.20 kada kilo.
Gayunpaman, siyam na araw pa ang hihintayin bago malaman ang final contract price.
Positibo si South Pacific Inc. president at chief executive officer Jun Golingay na bababa talaga ang presyo ng LPG.
Inaasahan anyang nasa pagitan ng $70 at $90 ang ibababa ng contract price o sa pagitan ng P3.50 hanggang P5 kada kilo.
MOST READ
LATEST STORIES