M3.0 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte ala-1:25 ng madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 51 kilometro Hilagang-Silangan ng General Luna.

May lalim itong walong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Sinabi ng Phivolcs na ang pagyanig na ito ay aftershock pa rin ng magnitude 5.5 na lindol noong April 26.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...