Proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list groups, itinakda na ngayong araw

Comelec photo

Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list groups sa nagdaang May 13 elections.

Sa anunsyo ng Comelec, ang proklamasyon ng winning senators ay ngayong alas-10:00 ng umaga na.

Bawat senador ay maaaring magsama ng limang guests.

Nakatakdang magbigay ng mensahe si Senator Cynthia Villar batay sa proclamation programme na ipamamahagi ng Comelec.

Samantala, ang party-list groups naman ay maipoproklama alas-7:00 ng gabi.

Magaganap ang seremonya sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum 2.

Martes ng gabi ay natapos na ng Comelec na tumatayo bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang canvassing ng 167 Certificates of Canvass (COC) sa nagdaang halalan.

Read more...