Kabilang sa mga sugatan ang isang 11 anyos na batang lalaki.
Isinugod sa pagamutan ang mga biktima sa Tala General Hospital.
Nabatid na naglalaro ng bilyar ang mga biktima sa Sampaloc Street, Basilio 5 nang dumating ang isang lalaki na nagngangalang alyas Kabeb.
Hinahanap umano ni Kabeb ang isang alyas Kokoy.
Gayunman nang hindi makita si Kokoy, bigla na lamang hinagisan ng granada ni Kabeb ang mga biktima.
Hinahanap na ngayon ng mga pulis ang suspek.
MOST READ
LATEST STORIES