Patay ang dalawa katao matapos bumagsak ang isang The Bell 206 helicopter na ginagamit sa MTV reality show sa Potrerillos de Mondaza dam sa Western Argentina.
Patay ang piloto at technician ng MTV reality show na “The Challenge.”
Hindi na narekober ang bangkay ng dalawa dahil bumagsak ang eroplano ng 60 meters below the surface.
Matatandaan na noong Marso lamang, isa pang helicopter ang bumangga sa terrain sa Argentina kung saan patay ang lahat ng sampung katao na sakay.
Naganap ang aksidente habang nagsho-shoot sa TV survivalist show na “Dropped”.
Kabilang sa mga nasawi ang tatlong french athletes na sina Pioneering Sailor Florence Arthaud, Olympian swimmer na si Camille Muffat at boxer na si Alexis Wastine.
MOST READ
LATEST STORIES