Palasyo, natuwa sa pagpasa sa Kamara na ibalik ang ROTC

Ikinatuwa ng Palasyo ng Malakanyang ang pagkakapasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa sa pagbuhay muli ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga estudyante sa senior high school.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, malinaw ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hangarin na ibalik ang ROTC sa mga estudyante.

Sinabi pa ni Panelo na noon pa man, nais na ng pangulo na ipasa ang panukalang batas na ibalik ang ROTC.

Matatandaang makailang beses nang sinabi ng pangulo na nais niyang ibalik ang ROTC para madisiplina ang mga estudyante.

Read more...