Ito ay matapos tanggihan ni Vice President at LP chairperson Leni Robredo ang pagbibitiw ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na tumatayong presidente ng partido.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi makikiaalam ang Palasyo ng Malakanyang sa gusot sa LP dahil internal na usapin na ito.
Bahala na aniya sina Robredo at Pangilinan na resolbahin ang kanilang problema.
Nagbitiw si Pangilinan bilang presidente ng LP dahil sa command responsibility matapos matalo lahat ang kanilang pambatong senador na Otso Diretso sa katatapos na May 13 midterm elections.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na malugod na tinatanggap ng Malakanyang ang pag-ako ng Lp at pag-amin na talo sila sa katatapos na eleksyon.