DFA, naghain na ng kasong kriminal dahil sa pagkasawi ng OFW sa Kuwait
By: Angellic Jordan
- 6 years ago
Naghain na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kasong kriminal sa Kuwait dahil sa pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW).Ayon sa kagawaran, nakipag-ugnayan sila sa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait para sa kasong pagpatay kay Ma. Constancia Lago Dayag. Kumuha na ng abogado para sa legal assistance sa kaso ni Dayag. Sinabi rin ng DFA na tuloy ang pagbibigay ng iba pang kailangang tulong para maresolba ang kaso ng OFW. Matatandaang napag-alamang nilagyan ng pipino ang pribadong parte ng katawan ni Dayag nang isugod sa Al Sabah Hospital noong May 14.