Mag-tiyuhin, natagpuang patay sa Iloilo City

Natagpuang patay ang isang lalaki at pamangkin nito sa Jaro, Iloilo Martes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jimrod Eribal, 22-anyos, at ang pamangkin na si Tristan Zacary Eribal, 19-anyos.

Natagpuan ang katawan ng mga biktima pasado 5:00 ng madaling-araw.

Mayroong tama ng bala sa katawan at binalutan pa ng transparent na packaging tape sa mukha.

Sa datos ng La Paz police, suspek si Jimrod sa ilang serye ng pagnanakaw sa La Paz.

Mariin naman itong itinanggi ng kaniyang pamilya.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin sino ang responsable sa krimen at ano ang motibo rito.

 

Read more...