Labing tatlong lugar na ang isinailalim sa Public Storm Warning Signal Number 1 matapos lumakas pa ang bagyong Nona.
Nakataas na ngayon ang Public Storm Warning Signal Number 1 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate kasama ang Burias, Ticao Islands, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte at Dinagat Province.
Ayon sa PAGASA, maaaring maisama sa Public Storm Warning Signal Number 1 ang Camarines Norte, Southern Quezon, Marinduque at Romblon mamayang gabi.
Base sa 11:00 am advisory ng PAGASA, namataan ang bagyo 565 kilometers east ng Catarman, Northern Samar.
Taglay ng bagyo ang hangin na 110 kilometers per hour at pagbugso ng 140 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 19 kilometers per hour.
Lalo pang lumapad ang dalang rainfall ng bagyong Nona.
Mula sa 100 kilometers kaninang alas 5:00 ng umaga, nasa 300 kilometers na ito ngayon.
Bukas ng umaga, inaasahang nasa 140 kilometers east ng Catarman, Northern Samar ang bagyong Nano.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat sa flashfloods at landslides.