Manila Water mayroong 10-oras na water service interruption sa 20 barangay sa QC

Mula sa 7-oras na naunang anunsyo, 10-oras na ang mararanasang water service interruption sa maraming barangay sa Quezon City sa Biyernes, May 24.

Ayon sa Manila Water, magsisimula ang water service interruption alas 8:00 ng gabi ng Biyernes hanggang alas 6:00 ng umaga ng Sabado, May 25.

Aabot sa mahigit 242,000 na populasyon ang maaapektuhan ng service interruption sa 20 barangay sa Quezon City.

Ito ay dahil sa gagawing paglilipat ng Manila Water sa kanilang major pipeline sa kanto ng Elliptical Road at North Avenue para sa konstruksyon ng MRT 7.

Kabilang sa maaapektuhan ang sumusunod na mga barangay:

• Alicia
• Bagong Pag-asa
• Bahay Toro
• Central
• Culiat
• Malaya
• New Era
• Old Capitol Site
• Pasong Tamo
• Pinyahan
• Project 6
• Ramon Magsaysay
• San Vicente
• Santo Cristo
• Sikatuna Village
• Tandang Sora
• Teachers Village East
• Teachers Village West
• UP Village
• Vasra

Read more...