Warriors wagi kontra Blazers; pasok muli sa NBA finals sa ikalimang sunod na taon

Pasok na sa NBA finals ang Golden State Warriors makaraang talunin ang Trail Portland Blazers sa western conference finals.

Ito na ang magiging ikalimang sunod na nakapasok sa NBA finals ang Warriors.

Tinalo ng Warriors ang Blazers sa score na 119 – 117 matapos ang Game 4 na nauwi pa sa overtime.

Nakapagtala si Stephen Curry ng 37 points, 18 points ang naiambag ni Draymond Green at 17 points naman si Klay Thompson.

Dahil sa panalong ito ng Warriors, ang naturang koponan ay nakapagtala ng kasaysayan bilang unang koponan na limang sunod na taon na nakapasok sa NBA finals sa nakalipas na 53 taon.

Sinomang magwawagi sa pagitan ng Toronto Raptors at Milwaukee Bucks sa eastern conference finals ang siyang makakaharap ng Warriors sa championship.

Read more...