Nais malaman ng FDA kung alin sa mga produktong ito ang gumagamit ng acetic acid.
Sa isang panayam, sinabi ni Department of Health Undersecretary at FDA OIC Dr. Rolando Enrique Domingo na bagaman ligtas namang gamitin ang synthetic acetic acid, kailangan aniyang nakalagay ito sa pabalat o label ng produkto.
Iginiit ni Domingo na base sa panuntunan ng FDA kailangan na ang vinegar ay “naturally fermented” at hindi hinahaluan ng “sytnthetic” na sangkap.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na sa pagpaparehistro pa lamang ng produkto ay kailangan na aniyang nakalagay dito kung hinaluan ito ng acetic acid.
Maging ang paggamit aniya ng clouding substances o pampalabo ay kanilang ipinagbabawal.
Ang mga produkto aniya na hindi nagmula sa natural na proseso ay hindi na kailangang magpaliwanag at dapat lamang na alisin na sa mga pamilihan.
Samantala, nag-isyu na ang FDA ng memorandum sa kompanyang gumagawa ng 274 vinegar para hingan ng paliwanag.
Una nang inilabas ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang kanilang pag-aaral na sa 15 sa 17 brand ng vinegar sa mga pamilihan ay gawa sa synthetic acetic acid.