Balasahan sa senate committees gagawin sa pagpasok ng 7 bagong senador

Pinaghahandaan na ng senado ang mga ibibigay na komite sa mga bagong papasok na senador.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Senate President Tito Sotto na mananatili ang hinahawakang komite ng mga kasalukuyang senador at ng mga reelectionist senators.

Habang ang mga mababakanteng komite gaya na lamang ng finance committee ay maaring ibigay kay Sen. Sonny Angara.

Kinumpirma naman ni Sotto na ang health committee ang nais ni incoming senator Bong Go.

Ang Committee on Public Order naman ay nais ibigay ni Senator Panfilo Lacson kay incoming senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Habang ang Defense Committee naman ang mapupunta kay Lacson.

Isa naman sa nakikita ng senado na bagay kay incoming senator Francis Tolentino ay ang Justice Committee pero hindi pa pinal kung ibibigay ito sa kaniya dahil hawak ito ni Senator Richard Gordon.

Ang Labor Committee naman ang inihihirit ni incoming senator Bong Revilla, pero kasalukuyan itong hawak ni Sen. Joel Villanueva.

Read more...