Ginawa ng beauty queen ang rebelasyon sa pamamagitan ng isang mahabang post sa Instagram.
Ani Jordan, nakaranas siya ng trauma dahil sa insidente at inabot ng maraming taon ang kaniyang recovery.
Ibinahagi din ni Jordan sa nasabing post ang kaniyang opinion sa batas tungkol sa abortion.
Ayon kay Jordan, bagaman magkaibang usapin ang gawing krimen ang aborsyon sa pagiging krimen ng rape, para sa kaniya ay pareho lamang ang isyu.
Sinabi ni Jordan na ang kaniyang pahayag ay hindi naman layong impluwensyahan ang paniniwala ng iba.
Wala aniyang maaring pumwersa sa sinoman na gawin ang abortion.
Anuman aniyang hakbang o aksyon na gagawin sa katawan ng babae na labag sa kaniyang kagustuhan ay mistulang pang-aabuso.