Ilang lalawigan sa Region 3 uulanin – PAGASA

Makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan ang Pampanga, Bulacan at Tarlac.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas alas 8:32 ng umaga ng Martes, May 21, ang nasabing mga lalawigan ay makakaranas ng pag-ulan sa susunod na 1 hanggang 2 oras.

Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan din ang mararanasan sa Candelaria, Santa Cruz, Masinloc at Palauig sa Zambales; at sa Naic at Tanza sa Cavite.

Muli namang maglalabas ng rainfall information ang PAGASA kung magkakaroon pa ng ibang lugar na maaapektuhan ng pag-ulan.

Read more...