Tatlong handwritten wills natagpuan sa bahay ni Aretha Franklin ilang buwan matapos ang kaniyang pagpanaw

AP Photo
Ilang buwan matapos siyang pumanaw, tatlong handwritten wills ang natagpuan sa bahay ni Aretha Franklin.

Nakita ang mga will sa bahay ng tinaguriang “Queen of Soul” sa Detroit na natuklasan sa ilalim ng sofa sa kaniyang living room.

Ang pinakabagong will ay may petsang March 2014 kung saan nakasaad na ibinibigay niya ang kaniyang assets sa kaniyang pamilya.

May mga bahagi nitong halos hindi na mabasa at may mga salitang burado na.

Ang dalawa pang wills ay may petsang 2010 at nakita naman sa loob ng naka-lock na cabinet.

Si Franklin, edad 76 ay pumanaw noong Agosto 2018 at base sa pahayag noon ng kaniyang abogado, ay wala itong naiwang will.

Ayon kay Atty. David Bennett abogado ni Franklin, naihain na niya sa korte ang mga natuklasang will at nakatakdang magdaos ng pagdinig para dito sa June 12.

Read more...