Truck tumagilid sa east service road malapit sa Sucat Interchange; kargang buhagin tumapon sa kalsada

Isang truck ang tumagilid sa east service road malapit sa Sucat Interchange sa Muntinlupa City.

Nangyari ang aksidente alas 6:48 ng umaga ng Martes, May 21.

Tumapon ang laman na buhangin ng truck matapos na humiwalay ang likuran nito sa tractor head.

Dahil sa nasabing aksidente, umabot sa heavy hanggang standstill ang naranasang traffic sa east service road.

Sa abiso ng Skyway, mula sa Alabang viaduct ay masikip na ang daloy ng traffic.

Nagpadala ng tow trucks at back hoe sa lugar para magtulong-tulong na alisin ang truck at linisin ang tumapong buhangin sa kalsada.

Read more...