Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang available capacity ng kuryente sa Luzon ay 11,933 megawatts.
Habang ang peak demand ay 11,163 megawatts.
Ang pag-iral ng yellow alert ay sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at ala 1:00 ng hapon hanggang alas 3:00 ng hapon.
Hindi naman magkakaroon ng rotational brownout bunsod ng pag-iral ng yellow alert.
Pero payo ng NGCP sa mga taga-Luzon magtipid-tipid muna sa paggamit ng kuryente.
MOST READ
LATEST STORIES