Cortes, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Cortes sa Surigao del Sur.

Naitala ang pagyanig alas 5:14 ng umaga ng Martes, May 21 sa 14 kilometers northwest ng Cortes.

Ayon sa Phivolcs, 23 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang pagyanig.

Wala ring naitalang intensities ang Phivolcs dahil sa lindol.

Read more...