Sa pasya ni US District Judge Amit Mehta, na na appointee ni dating President Barack Obama, sinabi nitong hindi pwedeng harangin ni Trump ang subpeona ng kongreso.
Sinabi ng hukom na ang mga dokumento na kailangan ng mga mambabatas ay makatutulong para palakasin ang ethics at disclosure laws.
Valid at may sapat na legislative purpose umano ang house committee nang maglabas ito ng subpeona para sa financial records ni Trump.
Si Trump at kaniyang business organization ay nagsampa ng kaso sa sala ni Mehta para maharang ang subpeona ng Kongreso noong Abril.
Inakusahan ng kampo ni Trump ang Democrats na siya ay hinaharass at walang lehitimong dahilan ang inilabas na subpeona.