DepEd: K-12 program hindi ihihinto

Iginiit ng Department of Education (DepEd) na hindi ihihinto ng kagawaran ang implementasyon ng K to 12 program.

Ito ay sa gitna ng kumakalat na mga balita online na ititigil na ang naturang curriculum.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na ang mga pananaw ukol sa umano’y planong pagpapatigil sa K to 12 program ay dahil lamang sa online misinformation.

“Sentiments and questions on social media pertaining to the supposed plan to scrap the K to 12 Education Program are clearly based on misinformation and lack of critical discernment,” ayon sa DepEd.

Ayon sa kagawaran, ang fake news ay lumaganap matapos ang balitang nais ng Commission on Higher Education’s (CHED) na isailalim sa ‘review’ ang sistema ng curriculum.

Mali umano ang naging interpretasyon sa plano para mapalabas na ihihinto na ang buong K-12 program.

“The claims circulating online came after news of the Commission on Higher Education’s (CHEd) plan to ‘review and change’ the system for its K to 12 Transition Program was misconstrued to mean the implementation of the entire K to 12 Program. These two are not one and the same,” giit ng DepEd.

Samantala, ipinaliwanag pa ng DepEd na wala ring kapangyarihan ang kagawaran na itigil ang curriculum dahil ito ay alinsunod sa Republic Act No. 10533 o “Enhanced Basic Education Act of 2013.”

Para ito ay mabasura, kailangan itong isailalim sa kapangyarihan ng lehislatura.

Nanindigan din ang DepEd sa magandang epekto ng ipinatupad na reporma sa basic education sa bansa sa kabila ng mga pagsubok.

Read more...