Sa panayam ng media kay DOTr Secretary Arthur Tugade araw ng Lunes, tiniyak nito na walang magiging korapsyon sa implementasyon ng mga proyekto sakaling ipasa bilang batas ang panukalang emergency powers.
Ani Tugade, dapat isama ng mga mambabatas sa kanilang agenda ang emergency powers.
Naisumite na anya ng kagawaran ang lahat ng kinakailangang dokumento para rito.
Ang pahayag ni Tugade ay matapos ianunsyo ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman at winning senator Francis Tolentino ang intensyong i-refile ang panukala.
Dalawang taon nang nakabinbin ang panukalang emergency powers sa dalawang kapulungan ng Kongreso.