Timbog ang tatlo katao sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Cembo, Makati City araw ng Lunes.
Unang naaresto sina Rosalito Guard at Rommel Arcenic na nabilhan ng poseur buyer ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa halagang P500.
Matapos ang transaksyon ay agad silang hinuli at nakuhaan ng 28 maliliit at isang malaking sachet ng hinihinalang shabu.
Sina Guard at Arcenic ay parehong nasa watchlist ng pulisya at dati nang nasampahan ng kasong may kaugnayan din sa droga at frustrated homicide.
Samantala, sa hiwalay na operasyon ay naaresto naman si Rowelyn Setias na nabilhan ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P300.
Agad itong inaresto at nakuhaan pa ng 21 maliliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Bukod sa mga hinihinalang shabu ay nakuhaan pa ng mga drug paraphernalia ang tatlong suspek.
Sa kabuuan ay 53 plastic sachet ng shabu ang nakumpiska sa tatlo na ngayon ay mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.