Warriors at Blazers, sasabak sa Game 4 na parehong may injured players

Matapos ang tatlong laro para sa NBA Western Conference finals, ilang players ng Golden State Warriors at Portland Blazers ang may injuries.

Dahil dito, magsasagupa ang dalawang koponan sa Game 4 na kapwa may mga injured players.

Kinumpirma ni Damian Lillard na maglalaro siyang may injury sa kanyang ribs na malamang ay nakuha umano nito noong Game 2.

Dahil hirap huminga, nagsuot si Lillard ng padding sa huling laro at nalimita ang kanyang performance.

Kwestyunable naman ang laro ni Warriors forward Andre Iguodala dahil sa iniinda nito sa likurang bahagi ng kanyang kaliwang binti.

Clear man sa MRI exam, inaasahan na mag-iingat ang 35 anyos na beterano ng Warriors.

Sa Game 3 ay umalis si Iguodala sa third quarter na may nagawang dalawang puntos lamang.

Read more...