Magugunitang sinuspinde na ng Google ang hardward at software supplies nito sa Huawei makaraan ang utos ng United States dahil sa isyu ng umano’y spying.
Sa pahayag ng Globe, sinabi nitong tiniyak sa kanila ng Huawei na patuloy na makatatanggap ng security updates at after-sales services ang devices users ng Globe.
Ganito rin ang sinabi ng PLDT-Smart at mananatili umanong magagamit nang normal ang Huawei devices ng kanilang network.
Parehong gumagamit ang dalawang telco ng Huawei equipment sa kanilang networks at nagbebenta rin ng Huawei phones sa kanilang subscribers.
Ikinukonsidera rin ng dalawang telco ang paggamit ng Huawei equipment sa roll out ng 5G services sa bansa.