Ayon sa report ng AMTI-CSIS, makikita sa satellite images ang presensya sa nakalipas na 6 na buwan ng mga barko ng China na ginagamit sa pag-harvest ng mga clam.
“Satellite imagery shows that clam harvesting boats have been operating with regularity at Bombay Reef in the Paracel Islands since late 2018, as evidenced most clearly by the sediment plumes visible in images from April 11. Those plumes, along with the scarring spread across the reef surface, are the telltale signs of the prop-digging method of extraction used during the earlier phase of clam harvesting,” nakasaad sa report.
Sa mga unang satellite images noong February 14 at November 4, 2018 ay makikita ang clam harvesting sa isang teritoryo.
Kita sa mga imahe ang pinsalang iniwan ng mga kagamitan ng mga nag-harvest ng clam.
Noong December 8, 2018 ay bumalik ang mga barko ng China sa Scarborough Shola.
Sa mga imahe naman noong lamang March 8, 2019 ay makikita ang pinsala sa bahura mula sa ginawang extraction ng mga Chinese vessels.