87 katao patay sa Burundi, Africa

burundi africaAabot sa walumpu’t pito katao ang nasawi sa marahas na pag-atake sa kampo ng mga militar sa Burundi sa Africa.

Ayon kay Spokesman Gaspard Baratuza, kabilang sa mga nasawi ang apat na pulis at apat na sundalo habang siyam na sundalo at labingisang pulis naman ang sugatan.

Naaresto na ang mahigit apatnapung katao matapos ang nangyaring sagupaan.

Kasunod nito, kinundina ng US State Department ang marahas na pag-atake na umabot na sa probinsya ng Bujumbura kasabay ng panawagan na itigil na ang bayolenteng pangyayari.

Maging ang bansang France ay kinundina rin ang naturang pag-atake at nakiusap sa mga residente ng Burundi na piliin ang mas maayos na paraan upang masolusyunan ang krisis na kanilang kinakaharap.

Ilang buwan nang nakararanas ng kaguluhan ang Burundi matapos ang kontrobersyal na pag-anunsiyo ni President Pierre Nkurunziza ng pagtakbo sa para sa ikatlong termino nito.

Dahil sa kaguluhan, umabot na sa 170,000 katao ang lumisan na sa Burundi patungo sa ligtas na lugar.

Noong Mayo, nanatili sa kanyang puwesto si Nkurunziza matapos mabigo ang tangkang coup d’etat ng isang army general habang nasa Tanzania ang presidente.

Read more...