M4.7 na lindol yumanig sa Tawi-Tawi

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bahagi ng Tawi-Tawi alas-10:12 ng gabi ng Lunes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong 252 kilometro Timog-Silangan ng South Ubian.

May lalim ang pagyanig na 425 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Bagaman may kalakasan, hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol.

Hindi rin ito magdudulot ng anumang aftershocks.

Read more...