Sa inilabas na datos ng PAGASA weather bureau, naitala ang pinakamainit na heat index sa Calapan, Oriental Mindoro na may 47.8 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon.
Maikokonsidera sa danger category ang isang lugar na may heat index na 41 hanggang 54 degrees Celsius.
Pasok sa ‘dangerous level’ na heat index ang mga sumusunod na lugar:
– Alabat, Quezon (46.4 degrees Celsius)
– Catarman, Northern Samar (41.1 degrees Celsius)
– Catbalogan, Western Samar (43.7 degrees Celsius)
– Cuyo, Palawan (43.2 degrees Celsius)
– Dagupan City, Pangasinan (45.3 degrees Celsius)
– Dipolog, Zamboanga del Norte (44.9 degrees Celsius)
– Dumaguete City, Negros Occidental (41.2 degrees Celsius)
– El Salvador City, Misamis Oriental (41.9 degrees Celsius)
– Iba, Zambales (41 degrees Celsius)
– Legazpi City, Albay (45.4 degrees Celsius)
– Romblon City, Romblon (42 degrees Celsius)
– Roxas City, Capiz (45.4 degrees Celsius)
– Sangley Point, Cavite (45.3 degrees Celsius)
– Sinait, Ilocos Sur (41.6 degrees Celsius)
– Surigao City, Surigao del Norte (43.3 degrees Celsius)
– Tayabas City, Quezon (41.6 degrees Celsius)
– Tuguegarao City, Cagayan (44.1 degrees Celsius)
Samantala, nasa 42.6 degrees Celsius naman ang naramdaman sa bahagi ng Port Area sa Maynila.
Umabot naman sa 41.2 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City.