Pagdedeklara sa Sept. 8 bilang special working holiday, pasado na sa Senado

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang pagdedeklara sa September 8 bilang special working holiday.

Ipinagdiriwang sa September 8 ang kapanganakan ng Birheng Maria.

Naipasa ang House Bill no. 7856 o “An Act Declaring September 8 of Every Year a Special Working Holiday in the Entire Country to Commemorate the Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary” sa botong 19 na yes at walang bumoto ng no.

Matatandaang taong 2017, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang December 8 bilang holiday sa pagdaraos naman ng Pista ng Immaculate Concepcion.

Read more...