Sen. JV Ejercito, hindi pa magko-concede

Hindi pa magko-concede si reelectionist Senator JV Ejercito at hindi niya ito gagawin.

Ayon kay Ejercito, limang certificates of canvass (COC) lang naman na ang hinihintay kaya’t makakabuti na hintayin na mabilang na ang lahat ng mga boto.

Sa ngayon ay pang-13 sa puwesto si Ejercito at ang kaniyang maari na lang habulin ay ang kapwa niya reelectionist na si Sen. Nancy Binay.

Ngunit sa panayam kay Ejercito, nagpahiwatig ito ng pagkatanggap na ng pagkatalo.

Aniya, naging isyu sa kaniya sa pangangampaniya ang pondo at panahon.

Binaggit din nito ang paulit-ulit niya nang nasabi na maaring makasama ang pagsabay sa kaniya sa pagtakbo ng kapatid sa ama na si dating Sen. Jinggoy Estrada.

Suportado rin nito ang mga panawagan na gisahin ang Commission on Elections (Comelec) ukol sa pagpalpak ng daan-daan SD cards ng vote counting machines (VCM).

Hindi pa rin malinaw kung magbabalik pa sa pulitika si Ejercito sa 2022 dahil aniya mahirap ang pagtakbo ng sunod sa usapin ng pondo.

Sa araw ng Martes, may posibilidad na maipo-proklama na ang mg 12 bagong halal na senador.

Kung hindi papalarin, bukod kay Ejercito ay maari rin hindi na makabalik si Sen. Bam Aquino na pang-14 sa puwesto.

Read more...