Liderato ng Senado, hindi magagalaw sa pagpasok ng 7 bagong senador

Inihayag na ng tatlong uupong bagong senador ang kanilang suporta sa pamunuan ng Senado sa pangunguna ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Nabatid na nakipag-usap na si Sotto sa mga magiging bagong senador na sina Francis Tolentino, Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher “Bong” Go, pawang mga miyembro ng PDP Laban.

Ang pagkikita ay inasikaso ni Sen. Manny Pacquiao.

Sinabi rin nina Sotto at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na sa pagbubukas ng 18th Congress ay may supermajority sa Senado na bubuuin ng 20 senador.

Natira ang apat na miyembro ng minoriya, sina Senators Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at Leila de Lima.

Inaasahan na mananatili rin sa kanilang puwesto sina Zubiri at Senate President Pro Tempore Ralph
Recto.

Read more...