Ayon kay Senior Deputy Majority Leader Rodante Marcoleta, napag-usapan sa party-list coalition na suportahan ang House leader na kilala sa pagsuporta sa adbokasiya para sa social reforms.
Sila aniya sa party-list coalition ay maraming mga adbokasiya at hangad nila na ang susunod na uupong Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay ang makakatulong sa kanila sa pagsusulong ng mga ito.
Sinabi ni Marcoleta na ang susunod na Speaker ng Kamara ay dapat handang magtrabaho 24/7 para matiyak ang pagkakapasa ng mga priority bills ng administrasyon.
Umaasa aniya sila na maging kasing-sipag daw ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang susunod na lider ng kapulungan.
Sa loob ng pitong buwang pag-upo ni Arroyo bilang Speaker, naipasa ng Kamara ang lahat ng legislative measures na isinusulong ng Duterte administration kabilang ang Coconut Farmers and Industry Development Act, Rice in the Agricultural Tariffication Act, Enhanced Universal Healthcare Act at marami pang iba.