Pangulong Duterte, nababahala sa banggaan ng 2 tren ng LRT-Line 2

Labis na nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na banggaan ng dalawnag tren ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 sa pagitan ng Anonas at Cubao Stations sa Quezon City noong Sabado.

Katunayan, ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hinihintay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon ng LRTA ukol sa naturang insidente.

Nais din aniyang malaman ng pangulo kung may pananagutan ang mga tauhan ng LRTA.

Humingi na rin aniya ng paumanhin ang LRTA sa mga pasahero ng tren.

Matatandaang 34 na pasahero ng tren ang nasugatan nang magbanggan ang dalawang tren.

Read more...